ARALIN 10
Ang pang-abay
Kahulugan ng pang-abay
Tulad ng pang-uri, ang pang-abay ay salitang panuring. Subalit kaiba sa pang-uri, ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay, samantalang ang pang-uri ay nagbibigay turing o naglalarawan ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Talagang masarap magluto si nanay rosita . (pang-uri)
Tunay na magmahal ang asawang si Ely kay Helen. (pang-uri)
Kahapon nagpasyang lumusob saa Edsa ang mga raliyista.(pandiwa)
Mapapansin natin sa unang dalawang pangungusap, ang naitimang salita ay isang pasng-abay at ang binibigyang-turing ay ang mga salitang nakasalungguhit na kundi pang-uri.
Uri ng PANG-ABAY
1. Pang-abay na kataga o Ingklitik- ito ay mga katagang laging sumusunod sa unang salita at kayariang kinabibilangan.
Halimbawa:
Nakarating na ba ang mga bagaheng biyaheng Bohol?
Napakatulin kasi ang kanyang pagpapatakbo kaya’t nadisgrasya.
2. Pang-abay na pamanahon-Nagsasaad ng panahon o kailan naganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na KAILAN.
Halimbawa:
Simula sa araw na ito , ikaw ay isa nang ganap sa lingkod ng Diyos.
3. Pang-abay na Panlunan- Ito’y tumutukoy sa pook na pinagyarihan ng kilos ng pandiwa. Suamsagot sa tanong na SAAN.
Halimbawa:
Nasa hapag kainan na ang mga babaunin mong mga prutas.
4. Pang-abay na Pamaraan- nagpapahayag kung paano ginanap ang kilos ng pandiwa at sumasagot sa tanong na PAANO.
Halimbawa:
Panabog na sumagot ang batang gusgusin sa tanong ng ale.
5. Pang-abay na Panggaano- ito ay nagsasqaad ng panukat o timbang. Tumutukoy sa dami o bilang.Sumasagot sa tanong na GAANO.
Halimbawa:
Napakarami ng mga tumatangkilik sa teleseryeng BUDOY.
6. Pang-abay na Pang-agham- ito’y nagbabadyang walang katiyakan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Nagpapahayag ng agam-agam.
Halimbawa:
Tila nanlalamig ang kanyang buong katawan at anumang sandali’y magbubuwal siya.
7. Pang-abay na Panang-ayon –ito ay nagsasaad ng panang-ayon.
Halimbawa:
Totoong matulungin ang kanyang anak na si Karen.
8. Pang-abay na Pananggi- ito ay nagsasaad ngg pa gtanggi o di-pagsang-ayon.
Halimbawa:
Hindi ko hahataang lapastanganin ako ng taong iyan.